Nanawagan kahapon si Nationalist Peoples Coalition (NPC) Congressman Sherwin T. Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) sa agarang paglansag sa sindikato ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bumibiktima hindi lang sa mga overseas Filipino worker (OFW) kundi maging sa mga dayuhan.

Ang panawagan ni Gatchalian ay base sa pagsasampa ng kaso ng NBI sa mga sangkot sa pagtatanim ng bala sa mga pasahero sa NAIA ng mga tiwaling tauhan ng PNP-Aviation Security Group at Office for Transportation Security (OTS).

“While we laud the effort of the NBI in filing charges against four policemen from the PNP-ASG and two OTS personnel, the NBI should dig deeper so that the syndicate behind this laglag-bala modus will be unmasked and brought to justice,” sabi pa ni Gatchalian.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Magugunita na kamakailan ay sinampahan ng kaso ng NBI ang dalawang tauhan ng OTS at apat na empleyado ng PNP-ASG na umano’y nagtanim ng bala sa bagahe ng Amerikanong si Lane Michael White.

Kinumpirma rin ng Department of Justice (DoJ) na tinangka ng mga kinasuhan na kotongan si White para hindi ito ikulong at sampahan ng kaso.

Mismong si Department of Justice (DoJ) Spokesperson Emmanuel Caparas ang nagsabing may sindikato nga ng “tanim bala” sa airport.

Ayon kay Gatchalian, kinatawan ng unang distrito ng Valenzuela City, dapat nang matigil ang nasabing aktibidades sa NAIA dahil bumababa ang tingin ng mga dayuhan sa mga Filipino at nadadamay ang matitinong kawani ng OTS at PNP-ASG.

(Orly L. Barcala)