gregor_JPEG copy new

Pinatawan anim na buwang medical suspension si undisputed featherweight champion Conor McGregor makaraan ang laban nito kay Jose Aldo sa UFC 194, MGM Grand Garden Arena, Las Vegas noong nakalipas na linggo.

Sa ulat, si Conor na kilala rin sa tawag na “The Notorious” ay nagkaroon ng injury sa kaliwang pulsuhan (wrist) kung saan ito rin ang nagtapos sa anim-na taong pamumuno ni Aldo sa titulo matapos ma-knock out ni McGregor sa loob lamang ng 13-segundo.

Magmula ng makuha ni McGregor ang atensiyon ng publiko at ang mainstream recognition noong nakalipas na taon dahil sa outspoken persona nito, kasabay ng pagkasungkit niya ng featherweight titles noong 2015, ipinagpatuloy na nito ang kanyang mga pangarap.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kasalukuyan, si McGregor ang nangunguna sa listahan ng UFC sa 145-pound divison. Layunin din nito na manguna sa pay-per-view market at planong lagpasan ang nagawa nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao.

“I said to Lorenzo, and I said to Dana, I’m bringing in these big numbers,”ang pahayag ni McGregor. “I’m bringing in these half a billion dollar revenues, like the Mayweather-Pacquiao fight has done.”

“At 27 years of age, I stand here, the unified world champion. Back-to-back MGM gate records,” dagdag pa nito. “This is trending as the highest pay-per-view, Sholler I believe said, of all time for the UFC.”

Sa rekord, ang 2nd megafight nina Mayweather at Pacquiao noong Mayo ay nagtala ng mahigit sa $500 milyong kita kung saan 4.4 milyon pay-per-view ang nabili. Sa laban na iyon ay naibulsa ni “Money May” ang $300 milyon.

Naniniwala si McGregor na dumating na ang kanyang panahon.

“At 27 years of age, with every record in the book, with weight divisions above, ready for me to go at, super-fights left and right,”aniya.“Tell me one other champion who has been like that. I’m bringing these numbers, and sky’s the limit.”

Kaugnay pa rin nito, si McGregor ay kinakailangang sumailalim sa x-ray at kung ang resulta ay positibo siya sa anumang danyos, kinakailangan ang clearance ng doctor upang payagan siyang lumaban at kung siya ay mabigong maidepensa ang kanyang featherweight belt hanggang Hunyo 2016, siya ay matatanggalan ng titulo. (Abs-Cbn Sports)