Nagpamalas ng mas matibay na “composure” ang Lyceum of the Philippines University (LPU) sa decider frame upang maungusan ang defending men’s champion Emilio Aguinaldo College (EAC), 25-23, 14-25,25-22,18-25, 16-14, sa pagpapatuloy ng NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena, kahapon.

Sumandig ang Pirates sa kanilang net defense upang ipalasap sa Generals ang una nitong kabiguan matapos ang limang sunod na tagumpay.

Pinangunahan ni Aram Abrencillo ang mahigpit nilang net defense sa naitala nilang 8 block kumpara sa naitalang tatlo ng Generals.

Si Abrencillo rin ang nagtapos na topscorer sa Pirates sa ipinoste nitong 17-puntos na kinabibilangan ng 16 na hits at 3 blocks.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sumunod sa kanya ang kakamping si Joeward Fresnede na mayroong 15- puntos.

Nauwi sa wala ang game-high 29- puntos ni reigning MVP Howard Mojica dahil sa pagbaba ng Generals sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 5-1, panalo- talo, kasunod ng solong lider na University of Perpetual na may malinis na barahang 5-0.

Nanatili naman ang Lyceum sa ikalimang puwesto na may patas na kartadang 3-3, panalo- talo. (Marivic Awitan)