KUNG ang istilo sa pangangampanya ng ibang mga kandidato sa panguluhan ay ang magsiraan, magpatutsadahan at halos magmurahan, iba naman ang istilo ni OFW Family party-list Roy Señeres. Ang paraan ng pangangampanya ni Señeres ay simple. Nagpupulong siya sa maliliit at matataong kalye, mga paradahan ng sasakyan sa mga mall, hotel at mga restaurant at doon niya ipinaliliwanag sa mga naroroon ang kanyang mga plataporma.

Magandang paraan.

Lalo sana magiging kalibang-libang at makakatawag-pansin kung sakanyang pangangampanyang mala-“kalye serye” ay may kasama siyang mala-yayadub at lola arinola, sapagkat sa kalye serye sa telebisyon ay mayroong lola inidora.

Ang totoo, ang mga nagsisikandidato sa panguluhan ay isa sa may pinakamaganda at makatotohanang plataporma si Señeres. Ang kanyang plataporma na alisin ang contractualization ay kapuri-puri at kailangang-kailangan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa kasalukuyan, halos lahat ng malalaki at maliliit na establisimiyento ay nagpapatupad ng contractualization. Sa mga foodchain, hotel, malls at at marami pang iba, ang kanilang mga empleyado ay biktima ng contractualization.

Walang security of tenure ang mga trabahador. Wala silang bonus, walang SSS, walang bakasyon, lahat ay wala. Kaya sa pamamagitan nito ay nagkakamal ng salapi ang mga kapitalista sa kaapihan ng mga manggagawa.

Simple ang dahilan nito kung bakit hindi pinagtutuunan ng pansin ng mga pinuno ng “pamahalaan” ng Pangulo, mga Senador, mga Kongressman at iba pa. May UTANG NA LOOB silang tinatanaw sa mga may-ari ng mga establisimyento na maaaring nag-ambag ng malaki sa kanilang kandidatura noon, paggamit ng mga sasakyan at baka pati mga helicopter at iba pa. Papaboran mo ba ang mga pobreng manggagawa kontra sa mga higanteng negosyante?

Nag-ambag sa iyo ng limpak ang mga iyan noong ikaw ay nangangampanya?

Isa pa lamang iyan sa katangi-tanging plataporma ni Señeres. Ang iba pa ay para sa kabutihan ng OFW at pamilya nito, para sa magsasaka at mangingisda at para sa mga aping Pilipino. (ROD SALANDANAN)