Sinampahan na sa Quezon City Prosecutors Office ng kasong kriminal ang tatlong miyembro ng big-time drug syndicate, kabilang ang isang Chinese, na naaresto matapos mabawi umano sa kanilang pag-iingat ang P30-milyon halaga ng shabu sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio ang mga kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) na sina Yong Han Cai, 41, residente ng Tanza, Cavite; Jamil Lawi, 19; at Aira Reneses, 33, pawang nakatira sa Fairview, Quezon City.

Hindi pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa ang tatlo na nakapiit ngayon sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, Quezon City.

Nabatid na ang mga suspek ay nasakote sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa nina Supt. Enrico Figueroa at Supt. Jay Agcaoili sa isang fastfood chain sa Macapagal Blvd., Pasay City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Figueroa, ilang linggo nilang minanmanan ang grupo ng mga suspek miyembro ng sindikato na natimbog nila sa Quezon City, kamakailan. (Jun Fabon)