BUTUAN CITY – Isang malaking sunog, na hindi pa tukoy ang sanhi, ang sumiklab sa isang palengke sa Langihan Road sa Butuan City, nitong Lunes ng gabi.

Nasa 14 na stall ang naabo sa sunog na nagsimula dakong 10:20 ng gabi.

Tinukoy ng mga bombero sa mahigit P15 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.

Napaulat na nagsimula ang sunog sa isang tindahan ng agrivet supply sa Langihan Road at mabilis na nilamon ng apoy ang 13 pang establisimyento.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Agad namang nagtulung-tulong sa pagresponde ang mga lahat ng bombero sa Butuan City at sa mga kalapit na bayan sa Agusan del Norte.

Tuluyang naapula ang sunog dakong 1:20 ng umaga kahapon, ayon sa Butuan City Fire Department.

Wala ring iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog, na inaalam pa ang sanhi. (Mike U. Crismundo)