Sampung koponan sa pamumuno ng isa sa Philippine Beach Volley Team na sumabak sa 1st Spike for Peace ang magkakasubukan para sa kick-off ng beach volley development program na Beach Volleyball Republic Christmas Open na gaganapin simula disyembre 19-20 sa SM Sands by the Bay.

Sinabi nina Bea Tan, Soriano at Micek kasama ang Brazilian na si Rupia Inck Furtado sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, na hangad ng torneo na ipalaganap at mas mapalawak ang madidiskubreng talento at maiangat ang kakayahan ng mga Pilipino sa isports.

“If we could observe that in the recent Spike for Peace, Japan which is almost the same as our physique and that of Indonesia, which place third, has won over the much higher players from Europe and the Americas,” sabi ni Soriano. “That is why we really wanted to go around the country to popularized beach volley,” sabi pa nito.

Makakapareha ni Tan si Inck habang muling magkapareha sina Soriano at Micek sa torneo na suportado ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc., at maging ang ahensiya ng gobyerno na Philippine Sports Commission (PSC).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang iba namang pares na sasali ay sina Fille Cainglet at Denden Lazaro, Julie Ann Tiangco at Mariel Sinamban na bibitbitin ang San Sebastian College (SSC), April Rose Hingpit at Maica Morada, Janine Marciano at Bang Pineda at ang pareha nina Judie Caballejo at Camille Abanto.

Ang iba pang pares ay sina Arielle Estranero at Vina Alinas gayundin sina April Romero at Rose Cailing mula sa University of the Philippines (UP) at ang tambalan nina Rica Rivera at Cherrie Rose Rondina na mula sa University of Santos Tomas (UST).

Nakataya ang kabuuang P100,000 premyo sa dalawang araw na torneo na sisimulan ganap na 8:00 ng umaga ng mga laban sa Group A at Group B para sa pool play kung saan ang top two ang uusad sa susunod na labanan. Isasagawa ang semifinals at finals sa ikalawang araw ng torneo.

“This is actually a kick-off leg of what we plan of staging a professional circuit next year,” sabi naman ni Tan.

“We will be touring and staging the event in several provinces next year where local teams can compete.”

Ilan sa dadayuhin ng torneo ay ang Cagayan Valley, Bacolod, Boracay, Cagayan De Oro, Palawan, Ilocos Sur at Ilocos Norte at ang Cebu. (Angie Oredo)