Stephen Curry, Brandon Bass, Jordan Clarkson, Julius Randle

Hindi pa natatapos ang pagtatala ng kasaysayan para sa Golden State Warriors.

Bagaman nalasap ang kanilang unang kabiguan upang tapusin ang kanilang rekord sa diretsong pagwawagi, bahagya lamang na nagbalik sa normal na kampanya ang nagtatanggol na kampeon na Warriors.

Bitbit ang pinakamagandang rekord sa liga na 24-1 patungo sa susunod nitong laro sa Miyerkules sa kanilang homecourt kontra sa Phoenix, nakatuon pa rin ang atensiyon sa Warriors kung magagawa nitong muling magtala ng dagdag pang kasaysayan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ay ang tabunan ang itinalang rekord ng makasaysayang Chicago Bulls na 72-10 panalo-talong kartada noong 1995-96 season na siyang pinakamagandang rekord sa talaan ng NBA.

''I just told the guys that now we can have a regular season,'' sabi ng forward na si Draymond Green sa kanyang mga kakampi sa locker room matapos mabigo noong Sabado kontra sa Milwaukee Bucks.

Naputol ang rekord na pagsisimula ng Golden State sa 24 na laro lamang matapos malasap ang 108-95 kabiguan kontra sa Milwaukee.

Kinapos din ang Warriors, na itinala ang 28-laro na sunod-sunod na panalo sa regular-season sapul sa huling apat na laro sa nakaraang season, nang kabuuang limang panalo sa NBA record naman na 33-diretsong panalo na itinala ng Los Angeles Lakers noong 1971-72.

''We looked like we ran out of gas a little bit,'' nasabi lang ni Warriors interim coach Luke Walton ukol sa kabiguan na nalasap nito sa huling laro ng kanilang pitong laban na dadayo, wala pang 24 na oras matapos itala ng koponan ang mahirap na panalo sa pagtakas sa dalawang overtime kontra sa Boston Celtics.

Normal na itinatala ng Warriors ang magtala ng 13 three-points kada laro subalit mayroon lamang anim mula sa itinira nito na 26 kontra sa Bucks.

Aminado din si Walton na unti-unting nawawala ang depensa ng Warriors at madalas itong nagtatamo ng turnover.

''What we are trying to do is be an NBA championship team. That requires a lot of work in getting back to the fundamentals and basics of game,'' paliwanag pa ni Walton.

Samantala, nagwagi ang Oklahoma City kontra Utah, 104-98, habang nanalo ang Toronto kontra Philadelphia, 96-76. Wagi din ang Miami kontra Menphis, 100-97 at ang Phoenix kontra sa Minnesotta, 108-101.

Kaugnay pa rin nito, nagpasalamat naman si NBA MVP Stephen Curry dahil sa tinagurian sila ng kanilang libu-libong tagahanga bilang bagong NBA Rock stars.

Ito ay matapos na sabihin ng maraming fans na bumibiyahe pa sila ng ilang oras upang makapanuod lamang ng bawat laro ng Golden State Warriors. (ANGIE OREDO)