Pinaalalahanan kahapon ng mga leader ng Simbahang Katoliko ang publiko, partikular ang kabataan, na ang Simbang Gabi ay panahon ng pagsamba at hindi ng pakikipagligawan.

Ang paalala ay ginawa ng mga leader ng Jaro Cathedral Parish, sa pamamagitan ng kanilang newsletter, kaugnay ng pagsisimula ng Simbang Gabi bukas ng madaling araw.

Sa Pilipinas, kapansin-pansin na maraming kabataan ang dumadalo sa Simbang Gabi ngunit hindi naman aktibong nakikilahok sa misa, at sa halip ay nagliligawan sa labas ng simbahan.

“Simbang Gabi is for worship, not for courtship,” paalala pa ng Jaro Cathedral Parish. “It is a significant moment not only because it strengthens relationships among family members or among friends but also because it is the time where our faith is intensified.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Idinagdag pa nito, bagamat maraming kabataan ang dumadalo sa Simbang Gabi, marami pa rin ang hindi nakakaalam na ang Disyembre 16, na unang araw ng Christmas novena, ay National Youth Day.

Sa nasabing araw, ipinagdiriwang din ng Simbahan sa Pilipinas ang presensiya ng kabataan sa simbahan.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng parokya ang kabataan na sa pakikilahok sa Simbang Gabi ay sundan ang payo ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo sa Jubilee of Mercy na pakinabangan ang mga biyayang bigay ng simbahan sa Jubilee Year sa pagpi-pilgrimage sa mga itinalagang simbahan, pag-a-avail ng mga sakramento, tulad ng kumpisal, at pagpa-practice ng ‘corporal at spiritual works of mercy.’ (Mary Ann Santiago)