MOSCOW (Reuters) — Nagbabala ang Russia noong Sabado sa Turkey na itigil ang panggagalit sa mga puwersa nito sa Syria o malapit dito matapos isa sa kanyang warship ang nagbaril ng warning shots sa isang Turkish vessel sa Aegean para maiwasan ang banggaan.

Sinabi ng Russian Defence Ministry na isa sa kanyang mga warship, ang destroyer Smetlivy, ang napilitang magbaril ng warning shots noong Linggo ng umaga at ipinatawag nito ang Turkish military attache dahil sa insidente.

“The Turkish military diplomat was given a tough explanation about the potentially disastrous consequences from Ankara’s reckless actions towards Russia’s military contingent fighting against international terrorism in Syria,” saad sa pahayag ng Defence Ministry.

Nitong Linggo, sinabi ng ministry na hindi tumugon ang Turkish fishing vessel sa mga babala ng Smetlivy at kaagad binago ang kanyang direksyon matapos ang warning shots at muntik nang bumangga sa warship. “Only by luck was tragedy avoided,” ayon sa ministry.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sinabi ni Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu na iniimbestigahan na ng Ankara ang pangyayari at maglalabas ng pahayag kapag nagkaroon na ng sapat na impormasyon. Muli rin niyang iginiit ang hangarin ng Turkey na maresolba ang hindi pagkakaunawaan sa Russia. “We want to solve the tension with dialogue,” aniya sa broadcast ng TRT Turk.