Inamin ng tatay at trainer ng dating five division world champion na ngayon ay newly-crownd WBO super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., na si Nonito Donaire Sr., na lubos siyang nag-alala nang makorner ito sa ring ng malakas na si Mexican Cesar Juarez sa kanilang ginanap na laban noong Sabado sa Coliseo Roberto Clemente San Juan, Puerto Rico.

“The guy might hit him with a good punch. He threw a lot of punches (in rounds 8 and 9) and he (Nonito) might go down,” ang pahayag ni Nonito “Dodong” Sr. “I’ve seen a lot of fights when a fighter is winning but got knocked out by staying on the ropes.”

Subalit, ipinahayag ni Dodong na laking pasalamat din niya dahil nasa magandang kondisyon talaga ang kanyang anak.

“It was a good thing that Nonito was really in good shape. If not, he could have been knocked out,” ang dagdag pa nito kung kaya’t sinabi ng matandang Donaire na dapat na lalo pang magpursigi sa pag-eensayo ang kanyang anak para sa pagharap nito sa susunod niyang laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinunto rin nito na noong sparring ni Nonito sa mga malalaking fighter katulad nina Fidel Navarette at Fred Brown, nagawa ni Nonito na gumalaw at hindi makopo sa rope at naiwasan nito ang mga bigwas ng suntok ni Juarez.

Nang aksidente namang mapatid ng referee na si Ramon Pena ang paa ni Nonito sa sixth round, inamin ni Dodong Donaire na hindi na nila alam ang puwedeng mangyari sa laban na iyon.

“When he was tripped, Nonito started to slow down but I give the guy Juarez a credit. He is really tough and took all the punches of Nonito as he was unable to get leverage to punch as Juarez pushed him against the ropes,” ang sabi pa ni Donaire Sr.

Inamin pa ng ama na malaki na ang ipinagbago ng kanyang boksingerong anak kesa sa mga dati nitong laban. Sinabi nito na nagkaroon ng pitong tahi si Donito sa kanyang kanang mata bunga ng malakas na suntok ni Juarez.

Nanalo si Donaire via 12- round unanimous decision at nagtapos sa iskor na 117-109 at dalawang 116-110 lahat pabor kay Donaire.

Si Nonito, kasama ang kanyang asawang si Rachel at ang iba pang pamilya ay magpapahinga muna at magbabakasyon sa beach bago umuwi ng Manila kung saan inaasahan ang hero’s welcome sa magiting na boksingero.

Ayon pa kay Dodong Donaire, si Nonito at kanyang pamilya ay mananatili muna sa Pilipinas hanggang Pebrero.

(BoxingScene.com)