MEG AT CESAR_for nilalang item copy

NAPANOOD namin ang advance screening ng Nilalang, ang suspense/horror film nina Cesar Montano, Meg Imperial, Yam Concepcion, Cholo Barretto, Kiko Matos, Dido de la Paz at Maria Ozawa bilang si Miyuki.

Ito ang entry ng WLP Venture, Haunted Towers Pictures, Paralux Studios, distributed ng Viva Films, sa Metro Manila Film Festival. Matatandaan na si Robin Padilla sana ang magbibida rito pero umatras nang makunan si Mariel Rodriguez, kaya pinalitan siya ni Cesar.

NBI agent si Cesar bilang si Tony na nag-iimbestiga sa sunud-sunod na pagpatay sa bansa pati na ang girlfriend niya (ginampanan ni Aubrey Miles) kaya ganoon na lang ang tindi ng galit niya na mahanap ang salarin.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagsimula ang kuwento sa Japan tungkol sa isang libro at sa matagal nang ritwal na naging dahilan ng patayan ng magpapamilya at sa kasalukuyan ay sumasanib ang kaluluwa ng killer na si Zahaghur sa sinumang tao na gusto niyang gamitin.

Nakarating ang libro sa Pilipinas at ang kaluluwa ng killer kaya sa Manila na isinagawa ang mga pagpatay na nahirapang lutasin nina Cesar at Meg.

Parang may napanood na kaming ganitong episode sa Crime Scene Investigation (CSI), hmmm, kumuha kaya ng idea roon ang scriptwriter/direktor ng Nilalang na si Pedring Lopez?

Anyway, maganda ang aspetong teknikal ng Nilalang, parang foreign film ang camera works at gusto namin ang ending ng pelikula. Kaya sa mahihilig sa ganitong istorya, abangan sa December 25. (Reggee Bonoan)