NEW YORK (AP) — Pinili ng Merriam-Webster ang isang maliit ngunit makapangyarihang suffix bilang word of the year: “ism.”

Ngunit hindi lamang ito anumang ism. Ang mga nangungunang ism na nakakuha mataas na traffic at lookups sa website ng dictionary company ngayon 2015 ay ang socialism, fascism, racism, feminism, communism, capitalism at terrorism.

“We had a lot on our minds this year,” sabi ni Peter Sokolowski, ang editor at large ng Springfield, Massachusetts-based company, sa panayam kamakailan. “It’s a serious year. These are words of ideas and practices.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

We’re educating ourselves.”

Sinimulan ng kumpanya ang pagpili ng word of the year noong 2003. Pinili nito ang “culture” noong 2014.

Ang word of the year ngayong taon ng Dictionary.com ay “identity.” Pinili naman ng Oxford Dictionaries ang pictograph, isang emoji na tinawag na “Face with Tears of Joy.”