HINDI kataka-taka kung bakit ang gustong tulungan ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino, ngayong kakandidato siya for senador, ay ang movie industry. 

Marami kasi siyang nalamang pangangailangan ng movie industry nang hawakan niya ng halos anim na taon ang Metro Manila Film Festival (MMFF). Alam niya na marami ang kailangang gawin para muling sumulong ang industriya. Kaya kung sakaling manalo siya sa 2016 national elections, isa sa mga bill na isusulong niya ang pagbibigay ng subsidy, lalo na sa mga pelikulang inilalaban natin sa international film festivals. 

Ito ang isa sa mga pahayag niya nang kanyang i-announce ang pagkandidato for senator bilang independent sa thanksgiving at Christmas party para sa entertainment press.

Sa totoo lang, isa si Atty. Francis sa naging mahusay sa pagpapalakad ng MMFF. Marami siyang naidagdag na categories, tulad ng New Wave films, short films, at even films na nagagawa sa pamamagitan ng cellphones.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Marami ring achievements na nagawa si Atty. Francis bilang chairman ng MMDA, pero mukhang nakalimutan na ito ng publiko at maging ng mismong mga natulungan niya. Maging ang mga kapalpakang nagawa ng iba kaya hindi naman niya kasalanan, inangkin na rin niya para sa katahimikan ng lahat. 

Naging malinis naman ang kanyang panunungkulan at walang maipupuntos laban sa kanya.

Aniya, isusulong din niya ang bill tungkol sa West Philippine Sea lalo na’t ang unang nagsulat ng tungkol dito ay ang lolo niyang si former Vice President Arturo Tolentino.

Nakakatawa lang na bago natapos ang Christmas party, dahil identified nga si Atty. Francis sa MMFF, siya ang natanong ng entertainment press kung makakakuha pa sila ng season pass na taun-taon ay ipinamimigay kapag may MMFF. 

Gayunpaman, sinabi ni Atty. Francis na ngayong Tuesday, December 15 ay ilalabas na ang mga season pass. Iyon nga lang, hindi niya sinabi kung sino ang mamimigay nito. Paano na nga kaya ang distribution? (NORA CALDERON)