Laking gulat ng isang street sweeper nang bumulaga sa kanya ang isang fetus na isinilid sa isang lunch box at inabandona sa isang lugar sa Tondo, Maynila kahapon.

Ayon sa pulisya, ang fetus ng isang babae, na pinaniniwalaang nasa walong buwan na, ay nadiskubre ni Christina Hermoso, 59, residente ng 946 Baltazar St., Tondo, Manila.

Sinabi ni Hermoso sa pulisya na nagwawalis siya sa Padre Herrera Street at pagsapit niya sa Cano Street ay nakaamoy siya ng masangsang mula sa isang plastic container, kaya nilapitan niya ito at binusisi ang nasa loob nito.

Subalit nang tanggalin ang takip, laking gulat ni Hermoso nang makita ang isang babaeng fetus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na ipinaalam ni Hermoso ang natagpuan sa mga opisyal ng barangay, na nag-report naman sa Manila Police District (MPD) Station 1..

Inaalam pa rin ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng fetus sa lugar. (Argyll Cyrus B. Geducos)