SARIAYA, Quezon – Binaril at napatay ng isang chief barangay tanod ang isang 38-anyos na lalaki sa Sitio Centro, Barangay Canda sa bayang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerardo Sulit, chief tanod ng Sitio Calubitbit, Bgy. Canda, Sariaya.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng shotgun sa leeg si Antonio Miguel A. Atienza, 38, obrero, residente sa lugar, at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Ayon sa report, dakong 8:30 ng gabi at kasama ni Atienza ang isang kaibigan sa lugar nang dumating ang suspek na armado ng shotgun, bumaba sa sinasakyang motorsiklo, nilapitan ang biktima at pinaputukan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi pa alam ang motibo sa krimen. (Danny J. Estacio)