BATANGAS - Pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos- Recto ang isinagawang emergency meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) matapos na isailalim ang lalawigan sa Signal No. 2 kaugnay ng pananalasa ng bagyong ‘Nona’.

“Ang mahalaga ay proactive tayo at alam natin ang puwedeng kontakin,” sabi ni Gov Vi.

Naglahad din ng kani-kanilang plano ang bawat ahensiya sa lalawigan para sa kanilang preparasyon sakaling manalasa ang bagyo sa probinsiya.

Dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ang naturang pulong, kabilanga ang Philippine National Police, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, Philippine Ports Authority, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Batangas Electric Cooperative, at Manila Electric Company.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dumalo rin sa pulong ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan.

Ilan sa mga bayang isinailalim sa monitoring ng pamahalaang panglalawigan ang madalas bahain na Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Balayan, Laurel, Bauan, Ibaan at Mabini. (Lyka Manalo)