Inihayag kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region (NCR) Director Alex Avila, na kinakailangan munang kumuha ng kaukulang working permit si Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin bago nito pormal na tanggapin ang inaalok na posisyon ng Ateneo bilang coach sa Blue Eagles team.

Sinabi ni Avila na kahit sino ay puwedeng magsampa ng petisyon laban kay Baldwin upang hindi ito payagang makakuha ng application. Si Baldwin ay kinakailangan munang kumuha ng Alien Employment Permit (AEP) bago ito pormal na tanggapin ang posisyon.

Nang ianunsiyo ng Ateneo na si Baldwin na ang magiging coach ng Ateneo-Blue Eagles sa pagbubukas ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament, ay umalma ang Basketball Coaches Association (BCA).

Sa petisyon ng BCAP, ang citizenship ni Baldwin o ang hindi nito pagiging Filipino ang kuwestiyunable. Hindi puwedeng dayuhan ang maging coach ng isang local team hangga’t hindi ito nagiging naturalized citizen.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pero napaulat na rin na kukunin na lamang ang Gilas coach bilang consultant ng Ateneo sa UAAP basketball team.

(Bombo Radyo)