Kasado na ang nationwide protest ng libu-libong driver at operator ng jeepney, na miyembro ng “No to Jeepney Phaseout Coalition” ngayong Lunes upang mariing tutulan ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang 15-years old jeepney phaseout sa bansa.

Ayon kay George San Mateo, national president ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), ganap na 7:00 ng umaga ngayong Lunes sisimulan ang nationwide protest sa Eliptical Road sa Quezon City, magka-caravan patungong España sa Maynila, bago magmamartsa patungo sa Mendiola kasabay ng kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isisigaw ng koalisyon ang “Masaker sa hanapbuhay ng mga driver at operator, pahirap at perhuwisyo sa mga pasahero. No to jeepney phaseout!’

Anila, kung ipagbabawal ang pamamasada ng mga jeep na 15-anyos pataas, mawawalan ng hanapbuhay ang mahigit 600,000 driver at 250,000 operator sa bansa, kaya maituturing anilang “massacre” ito sa mahihirap.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod dito, labis na perhuwisyo at pahirap ang idudulot nito sa milyun-milyong pasahero, na umaasa sa mga jeepney para sa murang biyahe patungo sa trabaho at eskuwelahan.

Iginiit ng koalisyon na hindi modernisasyon kundi korporasyon ng mga jeep ang pakay ng gobyerno sa likod ng phaseout.

Anila, hindi sagabal sa modernisasyon ng transportasyon sa bansa ang mga jeep kundi ang privatization sa sektor, gaya ng lagi nang nagkakaaberyang MRT at LRT, na pinangangasiwaan ng pribadong sektor. Nasa dalawang porsiyento lang din ng mga sasakyan sa lansangan ang mga jeep kaya hindi ito masisisi na sanhi ng polusyon. - Bella Gamotea