Disyembre 14, 1900 nang inilathala ng German physicist na si Max Planck (1858-1947) ang kanyang pambihirang pag-aaral kung paanong nakaaapekto ang radiation sa isang “blackbody” substance, na pinasimulan ng quantum theory.
Simula noong kalagitnaan ng 1890s, tinalakay ni Planck ang reaksiyon ng isang oscillating charge sa electromagnetic field nito. Ipinakita sa mga pisikal na eksperimento ni Planck na sa ilang kondisyon, maaaring magpakita ang enerhiya ng mga katangian ng isang physical matter. Ang siyentipikong paniniwala ng mga panahong iyon ay ang kawalan ng enerhiya ng components ng matter.
Batay sa quantum theory, ang quantum, na particle-like components, ay binubuo ng radiant energy. Nakatulong ito upang ipaliwanag ang mga misteryo ng reaksiyon ng init sa mga solidong bagay at ang pagtanggap ng liwanag sa atomic level.
Taong 1918 nang tumanggap si Planck ng Nobel Prize in Physics dahil sa kanyang mga ambag. Kalaunan, pinag-ibayo pa ng mga siyentistang gaya nina Albert Einstein, Niels Bohr, at Louis de Broglie, ang quantum theory, at nag-develop ng quantum mechanics. Sa modernong physics ngayon, pinagsama na ang quantum theory at ang relativity theory ni Einstein.