Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inaksiyunan nila ang P325.214-milyon unclaimed benefits ng mga miyembro na kinukuwestiyon ng Commission on Audit (CoA).

Ayon kay Atty. Alexander Padilla, pangulo at CEO ng PhilHealth, marami ang nag-claim ng benepisyo, ngunit malaking bulto pa rin ang hindi nakukuha ng mga miyembro.

Una nang ipinag-utos ng CoA sa PhilHealth na ibalik sa mga miyembro nito ang unclaimed benefits, batay sa audit report ng komisyon noong Disyembre 31, 2014. - Mac Cabreros

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda