ISA na namang paghamon sa kakayahan ng box-office director na si Antoinette Jadaone ang kanyang MMFF entry na All You Need is Pag-ibig, starring the two most-loved tandem of the industry, na sina James Reid-Nadine Lustre at Jodi Sta.Maria-Ian Veneracion. Isama pa rito ang box-office stars of their own caliber na sina Kris Aquino at Derek Ramsay with comedienne Pokwang and introducing the Concio sisters Talia at Julia, mga apo ng ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio. 

Kaya star-studded, powerhouse cast ang natoka sa lady director.

Si Direk Tonet din ang sumulat ng script. Paano niya nagawang itampok ang iba’t ibang anggulo ng pag-iibigan?

“I think ‘yung title ng movie it’s really what I really feel na all we really need is pag-ibig kasi parang kahit na masaktan ka or may mangyaring maganda, gaya nu’ng mapapanood n’yo sa movie, kahit na masaktan or hindi, ‘pag nagmahal ka, wala kang talo, ‘pag umibig ka... kaya all you need is pag-ibig,” kanyang paliwanag.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May kuwento rin sa Kris-Derek team-up aside from JaDine at Jodi-Ian.

“’Yung bawat pag-ibig kasi na sinulat ko with my co-writers na ang center nu’n ‘yung dalawang romantic love nina Dino at Anya (Xian Lim and Kim Chiu) at ni Mel at ni Eric (Ian Veneracion and Jodi Sta. Maria) ‘tapos meron sa paligid nila na iba’t ibang klaseng love. Pero kung pantay-pantay ang ‘binigay kong pag-ibig sa bawat love story, siyempre pantay-pantay, kasi gustong masabi dito ng pelikula na ito na hindi porke romantic love ay mas mataas siyang klase ng pag-ibig. 

“Pantay-pantay dapat lahat ng pag-ibig, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa kapatid, pag-ibig na hindi nasusuklian.

‘Yun nga lang, meron tayong bias sa romantic love kasi ‘yun ‘yung laging napapanood natin, nababasa natin. Pero ito ‘yung pelikulang nagsasabi na lahat ng pag-ibig basta nanggagaling sa puso mahalaga,” paliwanag ni Direk Tonet.

Bukod din ang kuwento ni Pokwang bilang tiyahin ng dalawang batang sina Julia at Talia na napaarte niya, kaya impressed si Direk sa kanyang mga artista at sa kabuuan ng movie.

“Actually, ‘yung ibang mga lines, do’n ko lang pini-feed so ganu’n ‘yung ginagawa ko usually. ‘Pag may inisip akong puwedeng idagdag, sinasabi ko lang. In fairness, nakaka-deliver talaga sila. Nadadagdag nila ‘yung dialogue. Kasi ‘pag mga bata meron talaga silang parang may magic sila na sila lang ‘yung meron, eh. Kailangan mo ma-capture ‘yung magic na ‘yun ‘pag ginawa na ‘yung eksena. ‘Tapos sobrang malaking tulong si Mamang (Pokwang) sa kanila, kasi sa set sobrang maalaga si Mamang. Para talaga siyang tita nu’ng dalawang bata. So ‘pag nandu’n si Mamang ‘tapos kaeksena siya, hayun, isang napakasayang eksena lang lagi,” sey ni Direk Tonet. (Ador Saluta)