Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE

Dahil kabi-kabila ang kainan tuwing Pasko at Bagong Taon, pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang publiko na dahan-dahanin ang pagnguya sa pagkain upang mapanatili ang kalusugan.

“Inaabot ng 20 minuto upang makarating sa kaalaman ng ating utak na tayo ay busog na. Iyon ay dahil maski busog ka na, kailangan pa nang 20 minutes para ma-realize ‘yun ,” paliwanag ni DoH Secretary Janette L. Garin.

Bukod dito, hinikayat din ni Garin ang publiko na kumain ng gulay, o tiyakin na balanse ang pagkain, lalo na kung mapapadalas ang pagkain ng inihaw na manok, lechon, ham, at iba pang mataas sa kolesterol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga gulay at prutas ay sagana sa fiber na nakatutulong sa madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Samantala, ang mga pagkain na mataas ang calories, tulad ng lechon, ham at iba pang gaya nito, ang pinagkukunan ng taba na hindi madaling matunaw.

Bagamat kailangan ng katawan ang taba na naglalaman ng ilang sustansiya, ang madalas na pagkain nito ay hindi mainam sa mga mayroong alta-presyon o diabetes, ayon kay Garin.

Payo rin ng kalihim sa mamamayan, maging aktibo upang matunaw ang kanilang kinain.

“Walking will help…. If they have time they can also do other forms of exercise,” aniya.

Makatutulong din sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ang pagsasayaw, pag-akyat gamit ang hagdan sa halip na gumamit ng elevator o escalator, at iba pang pisikal na aktibidad.