Ni REGGEE BONOAN

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado
ASTIG si Jennylyn Mercado, siya ang kinuhang nag-iisang endorser ng Trinx Bike na ang sole distributor sa Pilipinas ay si Mr. Jerry Tiu, tatay ng basketbolistang si Chris Tiu.

Ibinatay ni Mr. Tiu sa survey sa outlets nila nationwide at sa consumers kung sino ang gusto nilang triathlete celebrities at ang pangalan ni Jennylyn ang nanguna.

Mahilig sa sports si Jen at sumasali siya sa triathlon competition. Sasali siya sa Ironman Cebu 2016 kaya ito ang pinaghahandaan niya ngayong tapos na ang shooting ng #Walang Forever nila ni Jericho Rosales.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Iniisponsoran at kinuha na ring endorser si Jennylyn ng Trinx Bike kaya suportado siya ng kompanya ni Mr. Tiu sa lahat ng projects niya.

Hmmm, kaya pala nagpa-raffle si Jen ng dalawang Trinx Bike sa presscon ng #Walang Forever.

Speaking of #Walang Forever, si Jennylyn kaya ulit ang manalong best actress sa 2015 Metro Manila Film Festival Awards Night? Siya ang nanalong best actress last year para sa pelikulang English Only, Please kasama si Derek Ramsay na pinamahalaan din ni Direk Dan Villegas under the same producers. 

Challenge ito kay Jen, pero sinabi na niya sa entertainment press na hindi siya umaasa dahil magagaling at magaganda ang mga kasabayan nilang pelikulang mapapanood simula sa December 25.

Kakaibang karakter naman ang gagampanan ni Jennylyn bilang si Mia Nolasco, malayo raw sa papel niyang si Tere Madlangsacay sa EOP na isang kikay.