Dumagsa ang mga dayuhang nagpasok ng puhunan at kalakal o nagtayo ng negosyo sa bansa, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Amando Tetangco, Jr., gobernador ng BSP, nagtala ng pinakamataas na record ang foreign direct investment noong Setyembre, na pumalo sa US$1.52 billion.

Aniya, aabot sa 123.4 na porsiyento ang bumuhos na FDI kumpara sa $680 million noong Setyembre 2014.

“The surge in FDI inflows in September 2015 reflects investor confidence in the country’s strong macroeconomic fundamentals,” ani Tetangco.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Naunang iniulat ng gobyerno na umakyat sa anim na porsiyento ang gross domestic product (GDP) sa ikatlong bahagdan ng taon mula sa 5.8 porsiyento sa second quarter.

Pumalo naman sa 1.1 porsiyento ang inflation rate noong Nobyembre mula sa record low na 0.4 porsiyento noong Oktubre, bunsod ng pagtaas ng presyo ng pagkain, ayon sa BSP. - Mac Cabreros