PAMILYA ang dahilan ni Dingdong Avanzado kung bakit hindi na siya tumakbo for re-election as vice governor ng Siquijor. First termer pa lang naman si Dingdong sa nasabing posisyon at magtatapos ang panunungkulan niya sa June 2016.

“Kasi sa totoo lang very private kami pagdating sa buhay namin. Gusto namin ‘yung we spend more time together.

Siyempre, mula nang nagging public official ako, eh, I was taken away from that. ‘Yung pagiging private namin talagang naging more public, sobra talaga,” paliwanag sa amin ni Vice Gov. Dingdong nang makorner namin siya sa Ala, Eh Festival.

Aniya, sa madalas niyang biyahe pabalik-balik ng Maynila-Siquijor ay malaki ang nawawalang oras niya para sa pamilya nila ni Jessa Zaragosa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Siguro, after three years nagawa ko naman ‘yung gusto kong gawin for Siquijor for now, ‘yung makilala ang Siquijor na hindi lang ‘yung dating imahe niya. Ngayon, I want to move on to other things especially now that our daughter is growing up,” banggit pa rin ni Dingdong.

Ayaw niyang lumaki ang anak niya na parang nawala ang oras niya para magampanan ang obligasyon niya rito bilang ama.

Matandaang nanungkulan din bilang konsehal ng Quezon City si Dingdong, pero nang kumandidato siya uli for his second term sana ay hindi na siya pinalad.

Samantala, nakuwentuhan din namin ang isa pang dating taga-showbiz na pumasok din sa pulitika. In fairness, mukhang makaka-graduate siya at matatapos ang kanyang tatlong termino sa posisyon na kasalukuyang hawak niya.

Lagi siyang number one councilor pero hindi na raw niya papangarapin pang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

“Sobrang nakaka-stress ang maging public servant at isa pa na lalong nakaka-stress sa akin, eh, ‘yung mga naririnig kong banta ng mga kasamahang nag-aambisyong tumakbo na handa raw nilang gawin ang lahat at kahit na ‘yung pumatay para lang manalo,” sey pa ng kausap namin. (Jimi Escala)