NAGBUBUNYI Masayang-masaya sina (mula sa kaliwa) Executive Secretary of the UN Framework Convention on Climate Change Christiana Figueres, United Nations Secretary-General Ban Ki-moon, French Foreign Minister Laurent Fabius, at French President Francois Hollande matapos tanggapin ang pinal na kasunduan ng COP21 sa plenary session room ng World Climate Change Conference 2015 sa Le Bourget, hilaga ng Paris, France, sa huling araw ng komperensiya nitong Sabado. 		    EPA/CHRISTOPHE PETIT TESSON
NAGBUBUNYI Masayang-masaya sina (mula sa kaliwa) Executive Secretary of the UN Framework Convention on Climate Change Christiana Figueres, United Nations Secretary-General Ban Ki-moon, French Foreign Minister Laurent Fabius, at French President Francois Hollande matapos tanggapin ang pinal na kasunduan ng COP21 sa plenary session room ng World Climate Change Conference 2015 sa Le Bourget, hilaga ng Paris, France, sa huling araw ng komperensiya nitong Sabado. EPA/CHRISTOPHE PETIT TESSON

PARIS (Reuters) – Napagkasunduan ng pandaigdigang climate summit sa Paris ang isang napakahalagang agreement na magbibigay-daan sa isang makasaysayang pagbabago ng mundong nakaasa sa fossil fuel sa layuning mapigilan ang global warming sa mga susunod na dekada.

Makalipas ang apat na taon ng pag-uusap ng United Nations upang mabalanse ang pagsasaalang-alang sa interes ng malalaking ekonomiya laban sa mahihirap na bansa, at ng mga nanganganib na islang estado laban sa mga patuloy na naghaharing ekonomiya, idineklara ni French Foreign Minister Laurent Fabius ang pormal na pagtanggap sa kasunduan, na pinalakpakan ng mga delegado mula sa halos 200 bansa.

Tinatawag na unang tunay na pandaigdigang climate deal, na magtutulung-tulong ang mayayaman at mahihirap na bansa laban sa pagtaas ng emission na sinisisi sa pag-iinit ng planeta, puntirya ng kasunduan ang isang pangmatagalang layunin na bawasan kung hindi man tuluyang masugpo ang kabuuang manmade greenhouse gas sa kasalukuyang siglo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“It is a victory for all of the planet and for future generations,” sabi ni U.S. Secretary of State John Kerry, na kinatawan ang Amerika sa dalawang linggong negosasyon sa Paris.

“We have set a course here. The world has come together around an agreement that will empower us to chart a new path for our planet, a smart and responsible path, a sustainable path,” ani Kerry.

Lilikha rin ang kasunduan ng isang sistema na hihikayat sa mga bansa na paigtingin ang boluntaryong pagsisikap ng bawat bansa upang mabawasan o matigil ang emissions, at maglaan ng bilyun-bilyong dolyar para tulungan ang mahihirap na bansa na makatugon sa pagbabago para sa isang ekonomiyang makakalikasan, na pinagagana ng renewable energy.

Tinawag itong “ambitious and balanced”, sinabi ni Fabius na isinisimbolo ng kasunduan ang “historic turning point” sa mga pagsisikap na maiwasan ang mapaminsalang epekto sa mundo ng isang nag-iinit na planeta.

Para kay U.S. President Barack Obama, ito ay isang tagumpay na maipamamana sa mga susunod na henerasyon at ang “best chance we have to save the one planet that we’ve got.”

Umaasa ang mga opisyal na magkakaroon ng iisang paninindigan ang lahat ng bansa na magsisilbing isang makapangyarihang simbolo ng sangkatauhan at isang malinaw na senyales sa mga ehekutibo at investors na inaasahang gagastos ng trilyun-trilyong dolyar upang mapalitan ng mga solar panel at windmill ang mga coal-fired power plant.

Ngunit sa Pilipinas, nagtipun-tipon kahapon sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Roxas Boulevard sa Malate, Maynila ang mga raliyista, sa pangunguna ng advocacy group na Agham, upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa climate deal.

Ayon kay AGHAM Chairman Dr. Giovanni Tapang, hindi man lamang nabanggit sa kasunduan ang mandatory emission cuts sa mga bansa na ikinokonsiderang “biggest polluters”, gaya ng Amerika.

Wala rin umanong napagkasunduan na konkretong plano para tugunan ang pangangailangan ng mga “climate vulnerable nations” na gaya ng Pilipinas. - May ulat ni Mary Ann Santiago