Nagpahayag ng paghanga si Top Rank chief executive Bob Arum sa katapangan ni Nonito Donaire Jr., na tinalo si Mexican Cesar Juarez sa kanilang super bantamweight showdown sa Puerto, Rico lalo pa at nagkaroon ito ng injury sa paa sa kalagitnaan ng kanilang laban.

Lubhang buo ang loob ni Donaire na masungkit ang titulo kahit na nga nadulas ito sa ikaanim na round, at nagkaroon ng limitasyon ang kanyang mga galaw.

Ang pagkadulas ni Donaire ang nagbigay ng pagkakataon kay Juarez sa madugong labanan.

Hindi naman natapos ni Juarez ang kanyang motibo na pabagsakin si Donaire sa dahilang nagpamalas ng kakaibang lakas ang huli sa mga natitirang rounds.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Arum na nanuod ng laban nina Donaire at Juarez sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico ay nagpahayag na isa iyon sa mga pinakamagandang labanan na napanuod niya sa loob ng ilang taon.

“Tremendous fight,” ang dagdag pa ni Arum. “Donaire showed a lot of courage (in) fighting a very tough guy…. Great performance, gutsy performance.”

Wala umanong duda na si Donaire ang nanalo sa labanan na iyon sa kabila ng pahayag ni Juarez.

“Donaire stayed in there and I thought he won the last round going away. Great, great performance,” ang sabi pa ng promoter.

Dahil sa panalo, nakuha ni Donaire ang bakanteng WBO super bantamweight belt, ang titulo kung saan siya ay tinalo ni Cuban Guillermo Rigondeaux noong Abril 2013.

“Now he’s back on top, he’s a champion,” ayon pa kay Arum. “We’re gonna build from there. Hopefully, we’ll have some real big fights for him next year.” - Abs-Cbn Sports