SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Sa loob ng bilangguan magpa-Pasko at Bagong Taon ang isang ama matapos niyang halayin ang 14-anyos niyang anak na babae sa Barangay Bogaoan.

Batay sa impormasyong nakalap kahapon mula kay Supt. Charles Umayam, nabatid na ang 36-anyos na suspek, isang vendor, ay naaresto nitong Disyembre 10, dakong 10:00 ng gabi.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hermogenes C. Fernandez, ng Regional Trial Court (RTC), 1st Judicial Region, Branch 57, sa San Carlos City. May petsang Disyembre 3, 2015 ang warrant para sa kasong rape, at walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa record ng pulisya, mismong ang ina ng dalagita ang tumulong para makasuhan ang sariling asawa.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Batay sa impormasyon, hinalay ng suspek ang anak dakong 8:00 ng umaga nitong Disyembre 1, sa Bgy. Bogaoan, San Carlos City.