ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng pulisya at militar sa siyudad na ito ang isang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa patung-patong na kaso ng kidnapping at illegal detention.

Sinabi ni Culianan Police chief, Senior Insp. Elmer Solon na sinalakay ng mga pulis at sundalo ang pinagtataguan ni Basir Kadir Juljani, alyas Abu Omar, 37, sa isang liblib na lugar sa Barangay Sangali.

Ayon kay Solon, inaresto si Juljani dakong 5:30 ng hapon nitong Sabado.

Ang arrest warrant kay Juljani ay ipinalabas ni Judge Leo Jay T. Princepe, presiding judge ng Branch 1 ng 9th Judicial Branch sa Isabela City, Basilan, noong Enero 28, 2008. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga