Isang walong taong gulang na lalaki, na unang naiulat na kinidnap ng sindikato, ang nasagip ng awtoridad sa Quiapo, Maynila kahapon.

Sinabi ng pulisya na ang paslit, na naiulat na halos isang buwan nang nawawala, ay nasagip ng mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen habang namamalimos ang biktima.

Naaresto ng pulisya ang isang “Noel Magdamit” matapos umanong makialam habang kinukuha ng mga pulis ang paslit.

Inaalam pa rin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kung si Magdamit ay miyembro ng sindikato na nasa likod ng pagdukot sa biktima.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa ulat, huling nakita ang biktima noong Nobyembre 13 habang naglalaro kasama ang isa pang bata bago ito tinangay ng hindi kilalang mga lalaki.

Natukoy ang kinaroroonan ng nawawalang paslit matapos makatanggap ng ulat ang pulisya na nakita itong namamalimos sa Cubao, Quezon City; at sa Sta. Cruz at Quiapo sa Maynila. (Argyll Cyrus B. Geducos)