William Thio copy

LIFE begins at 40 para kay William Thio.

Una siyang nakilala bilang member ng Star Circle Batch 5, kasabayan ang mga aktor natin ngayon na sina John Lloyd Cruz, Dominic Ochoa, Paolo Paraiso at Baron Geisler.

Nakasama si William sa ilang programa ng ABS-CBN hanggang sa magdesisyong mamalagi sa Amerika kapiling ang mga kaanak na naroroon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bumalik din naman siya ng Pilipinas at pinasok ang mundo ng newscasting. Hinawakan niya ang Spotlight ng UNTV 37 (every Thursday, 4:30 to 5:30 PM) at GNN New Force sa SkyCable Channel 23 (Monday to Saturdays), 5 to 6 PM na may replays sa gabi, 10 to 11 PM.

Naging host din si William ng Opinion Leaders sa GNN aired every Saturdays 9 to10 PM at may replays on Sundays.

Kaya ipinagmamalaki ni William ang mga nakuhang awards gaya ng Most Promising News Personality kaloob ng Gawad Amerika nitong November 7, 2015 na ginanap sa Celebrity Center, Hollywood, Los Angeles, CA, USA.

“On the same event I received a special award as the Male Star of the Night for the beautiful Barong Tagalog I wore that night,” ani Wiliam.

Gawa ng Pinoy designer na si Eric Pe Benito ang naturang kasuotan niya.

Ngayong Linggo (December 13), tatanggap muli si William ng award, ang WAHOD Excellence Award - Institutional Male Broadcaster para sa kanyang Spotlight TV program, aired at UNTV 37. Kaloob ito ng World Association Humanitarian of Doctors under the United Nations Department of Economic and Social Affairs (chaired by the auspice of Emperor Javier Gold Ferrari of the Western European Empire).

Ang nasabing Royal Awards ay gaganapin sa New World Manila Bay Hotel Ballroom, Roxas Boulevard, Manila.

Open si William na magbalik-Kapamilya basta’t walang conflict sa hinahawakan niyang news programs sa ngayon.

May offer sa kanya dati as newscaster pero nagkaroon ng problema sa kanyang mga hinahawakang programa.

“Bata pa naman tayo, marami pang opportunities,” sabi ni William nang aming makapanayam. (ADOR SALUTA)