Sa kanyang mga nalalabing buwan sa Malacañang, nagmumuni-muni na si Pangulong Aquino sa kanyang buhay-retirado matapos ang kanyang anim na taong termino bilang pinuno ng bansa.

At dahil wala sa kanyang diksyunaryo ang manatili sa poder nang habambuhay, inihahanda ni PNoy ang listahan ng kanyang mga gagawin pagbaba niya sa Malacañang, tulad ng pagkain sa mga fast food, bakasyon sa Boracay Island, at hanapin ang babaeng kanyang pakakasalan.

“Day One, I probably will get up sometime in the late afternoon. I will not read any newspaper. I will enjoy or I will try to enjoy feeling no pressure whatsoever on that day,” pahayag ng Pangulo sa Bulong-Pulungan media forum sa Pasay City.

“Then, of course, I will have to try and touch base again with the old neighborhood that resituated which probably means eating a lot of fast food in the neighborhood area. Hopefully, I got all of them on the same day,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Excited na rin ang Punong Ehekutibo sa kanyang buhay-sibiliyan upang maisakatuparan ang matagal na niyang pinapangarap na “Bora experience.”

“Aaminin ko na. Nang makita ko ang Bora, hindi man lang ako nakatuntong sa beach. Hindi ako nakalangoy. Kaya ngayon, kasama na ‘yan sa plano,” dagdag niya.

Hinggil sa kanyang personal na buhay, umaasa pa rin ang 55-anyos na binata na matatagpuan na rin niya ang kanyang “lady love” na ihahatid niya sa dambana matapos ang anim na taon niyang pananatili sa Palasyo.

“I’ve always had plans. Siguro when I have more time, now that I’m able to go to St. Jude a lot more often, it might help,” Aquino said. “When we’re alive, everybody should have hope.”

Balak din niyang dumistansiya sa pulitika matapos siyang bumaba sa puwesto. (GENALYN KABILING)