Pauleen at Vic copy

PAGKATAPOS ng presscon ng My Bebe Love: Kilig Pa More, umalis sina Vic Sotto at Pauleen Luna, at sabi’y sa Hong Kong pumunta para yata sa last minute shopping para sa kanilang wedding.

Last vacation na rin yata ito ng engaged couple dahil sa January na nga ang kasal nila. Nag-first fitting na si Pauleen ng wedding gown na gawa ni Francis Libiran.

Pero may mga epal pa rin na nagmamaasim at hindi matanggap na pakakasalan ni Vic si Pauleen at kung anu-anong pamba-bash ang ginagawa sa dalaga.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

May nagtanong sa Instagram (IG) ni Pauleen ng, “Will you still love Vic Sotto. Kung umedad na sya ng 70? Seven years from now? Money can’t buy happiness Pauline...”

Sinagot ‘yun ni Pauleen ng, “And so is love. Watch and see me. God bless you.” Hayun, napahiya ang judgmental na nagtanong.

Samantala, may cameo si Pauleen sa My Bebe Love, hindi sinabi kung ano ang role niya pero sa eksena, magkasama sila ni Vic at naka-abresyete pa si Pauleen kay Bossing.

Anyway, hindi lang ang M-Zet TV ni Vic ang co-producer ng My Bebe Love, pati si Ai-Ai delas Alas ay co-producer din thru her Meda Productions. Ang iba pang co-producers ay ang ATP Entertainment, OctoArts Films at GMA Films.

(NITZ MIRALLES)