Isang kongresista ang nagpanukala na magtayo ng nursing home para sa matatandang walang tirahan.

Sinabi ni Quezon City Rep. Alfredo D. Vargas III, may-akda ng House Bill 6295, na dumarami ang bilang ng matandang mamamayan kasabay ng pagdami ng abandonado, walang bahay at pinagmalupitang senior citizens.

“The problem is often attributed to migration of young family workers and the costs for elderly care which may be unbearable for low-income households,” ani Vargas.

Binigyang-diin ni Vargas na ang nursing home para sa pinagmalupitan, inabandona at walang bahay na matatanda ay magbibigay-ginhawa sa kanila. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji