Bahagyang humina ang manufacturing sector ng bansa noong Oktubre dahil sa matinding epekto ng El Niño at patuloy na paghina ng demand mula sa China, sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA).

Sa Monthly Integrated Survey of Selected Industries ng Philippine Statistics Authority para sa Oktubre 2015, bumaba ang Volume of Production Index ng manufacturing sector ng 1.8 porsyento, ngunit inaasahang makababawi ito sa mga susunod na buwan at taon.

Samantala, patuloy ang pagbaba ng Value of Production Index ng bansa sa 9.2 porsiyento mula sa 4.8 porsyentong pagbaba nito noong Setyembre 2015. (AFP)

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay