Naniniwala ang isang Obispo ng Simbahang Katoliko na ang patuloy na kurapsiyon pa rin ang sanhi kung bakit marami pa ring Pinoy ang naniniwalang mahirap ang kanilang buhay ngayong huling quarter ng 2015.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, hindi lamang sa national level mayroong matinding kurapsiyon kundi maging sa local level.

“Dahil nga sa corruption ay na-minimize sa top level pero sa ground level ay tuloy pa rin. Corruption ang causes ng kahirapan ng mga Pilipino,” ani Varquez sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Nagpahayag din ng paniniwala si Varquez sa inilabas na pag–aaral ng Social Weather Station (SWS) na anim sa 10 Pilipino ang nagsasabing mahirap ang kanilang buhay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I believe na mayroong katotohanan ‘yan, dahil ‘yung inclusive growth ng Pilipinas ay hindi pa nangyayari at hindi pa nakarating sa ground level. Ang nakakaranas lang ng economic growth ay ‘yung mga nasa top level lang ng mga Pilipino. And majority sa ground level ay hindi nakakarating,” giit pa ng Obispo.

Iminungkahi naman ng Obispo na kailangang paigtingin ng pamahalaan ang ‘inclusive growth’ sa mga programa nito sa mga mahihirap.

“Kaya nga ang i–work–out ng gobyerno is how to make our economic growth inclusive para maangat naman ang karamihan sa mga Pilipino na hindi nakakaranas ng economic growth,” aniya pa.

Ayon kay SWS survey data library director Leo Laroza, mas maraming Pilipino na naniniwalang sila ay mahirap ngayong buwan kumpara sa 50 porsiyento noong Setyembre. (Mary Ann Santiago)