Hindi naging madali sa nagtatanggol na Golden State Warriors na mapanatili ang perpektong pagsisimula matapos na paghirapan ng husto at kailangang lagpasan ang dalawang overtime upang takasan ang hindi perpektong paglalaro ng kasalukuyang NBA Most Valuable Player.

Nagtala si Stephen Curry ng kabuuang 38-puntos, 11 rebound at 8 assist sa pinakamasama nitong shooting sa buong season noong Biyernes ng gabi upang ibangon ang Golden State Warriors at talunin ang Boston Celtics sa iskor na 124-119 sa TD Garden.

‘’Exhausting, but it was fun,’’ sabi ni Curry matapos ang laro. ‘’Obviously, it was nice to get the win. But we had to claw our way to it.’’

Isama ang kanilang panalo sa huling apat na laro noong nakaraang taon, umaabot na ang panalao ng defending NBA champion sa kabuuuang 28 diretso sa regular-season na laban. Nalampasan na nito ang 2012-13 Miami Heat para sa ikalawang pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng liga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naghahabol na lamang ito na matabunan ang nangungunang 33 diretsong panalo ng Los Angeles Lakers na naitala noong 1971-72.

Sasagupain ng Warriors sa Sabado ng gabi ang Milwaukee Bucks upang makumpleto ang pitong laro sa road trip. Wala pang koponan sa NBA na nakagawa ng 7-0 panalo sa isang pagdayo.

Nagtala lang si Curry ng 9 of 27 shots mula sa field na pinakamasama nito sapul noong Game 2 ng NBA finals kontra sa Cleveland bagaman mayroon itong 6 for 13 mula sa 3-point range at perpekto din na 14 of 14 sa free throw line.

‘’He can score in so many different ways,’’ sabi ni Warriors interim coach Luke Walton. ‘’They did a phenomenal job on him and he scored 38. But that’s how superstars are in this league.’’

Mayroong dalawang tsansa ang Celtics na ipanalo ang laban sa regulation, una sa tabla na iskor na 103-all, subalit nablangka ni Shaun Livingston ang tira ni Isaiah Thomas. Ikalawa ay matapos sumablay ang alley-oop attempt ng Golden State sa inbound at makuha ang bola sa huling 0.7 segundo subalit sumablay si Kelly Olynyk.

Inihulog naman ni Curry ang pares ng foul shots, na kanyang tanging puntos sa ikalawang overtime, sa huling 13.4 segundo upang ibigay sa Warriors ang tatlong puntos na abante.

Sumablay si Jae Crowder ng Boston sa isang 3-pointer para itabla sana ang laro bago nakuha ni Andre Iguodala ang bola at makahugot ng foul.

Samantala, umsikor si Lebron James ng 25-puntos at may walong assist upang lampasan ng Cleveland Cavaliers ang Orlando Magic, 111-76.

Nagdagdag si Timofey Mozgov ng 17-puntos para sa Cleveland na iniuwi ang ika-12 diretsong panalo sa Orlando.

Nagbalik para sa Cavaliers sa kanyang unang paglalaro lamang ngayong taon si cavaliers guard Iman Shumpert na nagpahinga matapos matamo ang injury sa kanang kamay bago ang kanilang training camp. Naglaro ito ng 25-minuto at nagtala ng 5 of 7 shots habang umiskor ng 14-puntos.