Lubhang malungkot ang pagbubukas ng “ONE Championship: Spirit of Champions” noong Biyernes sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City makaraang hindi na magawa pang lumaban ng isang Chinese MMA at ito ay bawian ng buhay habang ginagamot sa isang ospital sa Pasay nang ito ay mahimatay isang araw bago ang itinakdang laban.
Si mixed martial arts (MMA) fighter Yang Jian Bing, 21-anyos ay isinugod sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City makaraang himatayin ito noong Huwebes ng umaga.
Siya ay binawian ng buhay dakong 12:06 ng gabi noong Biyernes dahil sa cardiopulmonary failure.
Si Bing ay hawak ang 5-1 mixed martial arts record at nakatakda sana itong lumaban sa undercard Geje Eustaquio ng Pilipinas.
Ipinaabot naman ng ONE Championship (ONE) family sa pamumuno ng kanilang president na si Victor Cui ang labis na pakikidalamhati sa mga naulila ng Chinese flyweight fighter.
“There is nothing more profoundly tragic and sad than when a member of the ONE Championship family, current or past, passes away. Our thoughts and prayers are with the family and loved ones of Yang Jian Bing. We will work closely with the family and offer all the support they need in any way we can during this very difficult time,” ani Cui.
“I want to thank all sports fans around the world for their concern, thoughts and prayers. At this time, we appreciate everyone respecting the Yang family's privacy as they mourn the loss of their beloved son and brother," dagdag nito. (Marivic Awitan)