Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Nona” na may international name na “Melor.”

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,110 kilometro silangan ng Maasin, Southern Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 65 kilometro kada oras at bugsong 80 kilometro kada oras.

Inaasahan ng PAGASA na kikilos ang bagyo pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar o Bicol Region ngayong linggo kung hindi magbabago ang direksyon nito. (Rommel P. Tabbad)