OTTAWA (AFP) – Dumating sa Canada noong Huwebes ang eroplano na sakay ang 163 Syrian refugee, sinimulan ang kampanya na kanlungin ang libu-libong mamamayan mula sa magulong bansa.
Sinalubong sila ni Prime Minister Justin Trudeau sa Toronto airport. Umaasa ang gobyerno na matatanggap ang 10,000 Syrian refugee sa pagtatapos ng taon.
‘’We will all remember this day,’’ sabi ni Trudeau matapos batiin ang mga refugee, karamihan ay kababaihan at mga bata.