JAEN, Nueva Ecija - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang retiradong pulis at kasama nitong farm helper matapos silang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin sa Sitio Muson sa Barangay Lambakin sa bayang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Jaen Police ang mga nasawi na sina Supt. Lorenzo Paynor y Bartolome (retired), 59, ng Bgy. Imbunia; at Donato Taar y Taar, 38, na kapwa agad na namatay sa mga tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat nina PO1 Jear M. Carlos at PO1 Gerald Catacutan, dakong 6:00 ng hapon at binabagtas ng dalawa ang Jaen-Zaragoza Road sa Sitio Muson patungong Bgy. Imbunia nang biglang pagbabarilin sila ng lulan sa isang pulang kotse.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR