Isang 33-anyos na porter, na sakay sa motorsiklo, ang nasawi matapos siyang mahagip ng lumilikong tractor head na kasabay niyang tumatahak sa Road 10 sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Marjune Arro, may asawa, at residente ng Block 215, Unit 5 sa Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

Hawak naman ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang driver ng tractor head na si Marlon de Guzman, 40, ng 974 Manalili Street, Bgy. Inaon, Pulilan, Bulacan, na nahaharap sa reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Batay sa ulat ni SPO2 Manuel Garbin, Jr., nangyari ang insidente dakong 2:40 ng umaga sa intersection ng Road 10 at Herbosa Street sa Tondo.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Nauna rito, sakay si Arro sa puting Suzuki FW110 motorcycle (4070-OG) at tinatahak ang lugar kasabay ng tractor head (AUA-7216) nang sa kanilang pagliko ay “mahigop” ng tractor head ang motorsiklo.

Dahil ditto, nasira ang motorsiklo at tumilapon si Arro, na nabagok ang ulo. (Mary Ann Santiago)