Ipinoste ng defending juniors champion University of Perpetual Help ang pinakamalaking panalo ngayong season makaraang limitahan ang nakatunggaling CSB La Salle Greenhills sa 23-puntos sa kabuuan ng tatlong set upang makamit ang ikatlong sunod na panalo sa juniors division sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagposte si Conrad Etorme ng 19- puntos na binubuo ng 9 hits, 2 blocks at 8 aces upang pangunahan ang Junior Altas sa 25-8, 25-8, 25-7, panalo kontra Junior Blazers na wala pang panalo matapos ang tatlong laro.

Sa katunayan, walong puntos lamang ang iniskor ng Junior Blazers at ang 15 pa nilang karagdagang puntos ay galing sa errors ng Junior Altas.

Naka double kill naman ang Perpetual makaraang magwagi rin ang Altas kontra Blazers sa men’s division , 21-25, 27-25, 25-20, 25-20.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nagtala ng 20-puntos si Bonjomar Castel para pangunahan ang nasabing panalo ng Perpetual habang nagdagdag naman ng 17 puntos si Warren Catipay.

Nanguna naman para sa Blazers na nakatikim ng unang kabiguan sa apat na laban si Johnvic de Guzman na tumapos na may 19-puntos. (MARIVIC AWITAN)