NAGULAT ang reporters sa statement ni Kim Chiu sa presscon ng All You Need is Pag-ibig nang tanungin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Xian Lim. “All I need is Xian,” mabilis na sagot ng dalaga.
Pero agad nilinaw ni Kim na idinikit lang naman daw niya ang kasagutan niya sa pelikula nila.
Binanggit din ng Kapamilya actress na masaya sila ngayon ni Xian at siyempre nasisiyahan naman siya sa aktor.
Isinunod na rin niya ang pasasalamat sa ka-love team dahil sa pagpayag daw nitong makasama niya sa kanyang music video na Mr Right.
“Siyempre, itugma natin sa Mr. Right, nakailang views na siya, milyun-milyong views na sa YouTube dahil si Xian ang nandoon. Free lang ‘yon, wala siyang TF,” sey pa ni Kim.
Inamin din ni Kim na mas marami silang quality time ngayon ni Xian lalo na noong ginagawa nila ang mga eksena nilang dalawa sa Palawan.
“Ngayon, halos every day kami magkasama. Nakadalawang balik kami sa Palawan, ‘yung isa for our teleseryeng The Story of Us ‘tapos ito naman para sa pelikula naming ito na ginawa sa Coron, parang six days kami yata doon. Nakapag-bonding naman kami nang maayos.” (Jimi Escala)