Pinayuhan ng Palasyo ang publiko na manatiling kalmado kasabay ng paghingi ng karagdagang pasensiya sa nararanasang matinding traffic sa Metro Manila habang papalapit ang Pasko.

“Ang panawagan natin diyan ay para sa konting hinahon, dagdag na pasensiya at ‘yung patuloy rin na visibility ng ating law enforcement agencies para magkaron ng deterrence,” panawagan ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.

“Wala namang katwiran na dahil sa alitan na ganyan ay magkakaroon ng karahasan,” aniya.

Samantala, tiniyak ni Coloma na ginagawa na ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang lahat upang maibsan ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila.

“Batid natin ang ginawang clearing operations para magkaroon ng ‘Mabuhay Lanes’ na mas magiging maluwag,” ayon sa opisyal.

National

Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

Aniya, itinigil na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng road repair at reblocking upang hindi maabala ang daloy ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan, partikular sa EDSA.

Pinalawig na rin ang operating hours ng mga shopping mall para makaiwas ang mga shopper sa matinding traffic, lalo na tuwing weekend, habang papalapit ang Pasko. (Madel Sabater-Namit)