Maine copy

EWAN kung saan nanggaling ang napakaraming taong nakasama ng entertainment press sa grand presscon ng My Bebe Love #KiligPaMore na entry ng M-Zet Television Productions, Inc., OctoArts Films, APT Entertainment, Meda Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi naman kataka-taka, dahil kasama nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. 

First movie ito ni Maine na seryoso na ang acting kaya natanong siya kung ano ang naramdaman niya sa first shooting day niya.

“Kinabahan po ako talaga, pero tinulungan naman nila ako, si Bossing Vic ang madalas kong kaeksena dahil gumaganap kaming mag-ama sa story,” sagot ni Maine. “Pero nawala rin po ang kaba ko dahil good vibes ang set, masaya. Si Tita Ai Ai, hindi ko masyadong nakaeksena.”

Aware na ba si Maine na ganoon sila kapopular ni Alden?

Human-Interest

#BalitaExclusives: 'Wala pa pambili ng AC!’ Aso sa Valenzuela City, tumambay sa loob ng ref

“Hindi rin po ako makapaniwala sa sobrang blessings na dumarating sa akin, sa amin ni Alden, pero hindi ko po iyon iniisip at ayaw kong isipin. Nagpapasalamat kami sa lahat ng pagsuporta nila (AlDub Nation) sa amin.”

Sa nakikitang closeness nila, mayroon na bang something?

“Sa amin na lang po iyon ni Alden, ayaw naming magpa-pressure. Basta ngayon po, we are good friends, kung saan iyon pupunta, open naman kami.”

Inakala pala ni Maine nang una niyang makasama si Alden na tahimik ito, pero later on, natuklasan niyang makulit din pala, pabebe, gentleman at funny.

Nagkatawanan nang tanungin si Maine kung posible bang mahulog ang loob niya kay Alden, na hindi nasagot dahil biglang sumigaw si Vic ng “hoy!!!”

Malalim na ba ang samahan nina Alden at Maine?

“Malalim na rin po,” natatawang sagot ni Alden. “Enjoy po akong kasama siya, comfortable na kami sa isa’t isa. Iyong pagiging protective, tulad po noong nasa Enchanted Kingdom kami, sa ganoong pagkakataon, kailangan ko siya talagang protektahan.” (Reportedly, maraming kumurot kay Alden habang pinoprotektahan niya si Maine).

Tinanong din si Maine kung may pumuporma na sa kanya, wala raw; paano kung may magtangkang mangligaw; kung papayag daw si Alden. Salo naman ni Alden, “Huwag muna, wala pong usapang ganoon, focus na muna tayo sa love team.”  

Eh, si Alden, mayroon bang ibang girl?

“Wala po,” na agad ding sinalo ni Maine ng, “Si Yaya po!” Ani Alden, “Opo, si Yaya lang po ang other girl ko.” 

Ay, naku, may usapan na talaga, nagkakaintindihan na! (NORA CALDERON)