RIYADH (AFP) – Nagsimula na kahapon ang unang eleksiyon sa Saudi Arabia na nilahukan ng mga babaeng kandidato at babaeng botante, isang pansamantalang hakbangin na magbabawas sa mga pagbabawal sa kababaihan, na isa sa pinakanaghihigpit sa mga babae.
Magkahiwalay ang pagboto ng mga lalaki at mga babae sa Saudi Arabia.
Ang monarkiyang Islam, na pinagbabawalan ang mga babae na magmaneho at dapat na takpan ang kanilang sarili mula ulo hanggang paa, ang huling bansa sa mundo na tanging mga lalaki ang maaaring bumoto.