TULSA, Oklahoma (AP) – Sinabi ni Hillary Clinton na puro salita lang ang kanyang mga kalaban sa usapin ng paggapi sa Islamic State (IS), at siya lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo na may partikular na plano laban sa teroristang grupo.
Nagsalita sa teritoryo ng mga Republican, nais bigyang-diin ng Democratic presidential candidate at dating Secretary of State ang karanasan niya sa foreign policy kasunod ng pag-atake ng IS sa Paris at massacre sa California, na iniimbestigahan ng FBI bilang gawa ng terorismo.
“The others, they talk a lot, they throw out all of these approaches,” sinabi ni Clinton sa isang rally sa Oklahoma.
“But I’ve been in the situation room in the White House and I know what it’s going to take and I will keep America safe.”