ARIES [Mar 21 - Apr 19]
Mag-ingat sa pagbibiyahe ngayong araw. Magkakaroon ng hindi inaasahan at hindi kagandahang encounters at situations. Mamumroblema rin sa kalusugan.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Mawawala sa order ang iyong finances. Simulan ngayon ang pagbabawas sa expenses.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
No one is perfect, kahit ikaw. Gayunman, wala namang pipigil sa’yo na i-correct ang mga pagkakamali mo. Makakabuti kung magmasid ka sa mga natuto na sa sarili nilang pagkakamali.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
Huwag mong i-underestimate ang mga napupuna ng iyong partner, mga kaibigan, mga kapitbahay, at iba pang kakilala. May makakabuking sa sekreto mo today.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Medyo maaapektuhan ka sa problema ng iba. Ang mga mata-tag na unprofessional at unreliable ay mananatiling BFF mo.
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
Kahit ano pang hassle sa trabaho, ipupursige mo pa rin ang iyong nasimulan. Makakatampuhan ang boss.
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
Bibigyan ka ng sakit ng ulo ng isang international firm o isang negosyo mula sa kabilang ibayo. Well, patience is a virtue.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Maging maingat sa detalye sa mga dokumento. Posibleng magkamali ka, at medyo matatagalan ang pag-fix ditto.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Pupurihin at pipintasan ka ng iyong partner today. Huwag munang maging close sa isang bagong kakilala—baka ang ending ay maging frenemy mo siya.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Sa gitna ng pagsusumikap, huwag mong kalilimutan ang financial reward. Maging considerate sa pinaghirapan ng iba.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Magiging successful ang anumang personal project na sisimulan mo today. Makabubuting bisitahin ang isang isang mahal sa buhay.
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
May magaganap today na magbubunsod ng iyong mood swings at pessimism. Ingat sa mga salitang lalabas sa bibig mo.